Ang Pamagat

Noong 1887, nailathala ni Dr. Jose Rizal ang una niyang nobela, Noli me Tangere,
na nakasulat sa wikang Kastila, na kung saan ay ipinapakita ang mga pang-aabuso ng mga
prayle. Nang taong din iyon ay bumalik siya sa Maynila na kung
saan ay ipinagbawal na ang Noli at si Rizal ay labis na kinamumuhian ng mga prayle.
Noong 1888, bumalik si Rizal sa Europa, kung saan ay
isinulat niya ang karugtong ng Noli me Tangere na may pamagat na El Filibusterismo.
Ito ay nailathala noong 1991. Ngayon ay ating tuklasin
ang kasaysayan ng pagkakasulat ng
El Filibusterismo.

Magpatuloy

 




       

1888

Mga Pagbabago

Gumawa ng mga pagbabago si Rizal sa nobela habang siya ay nasa London. Itinuloy niya sa Paris ang pagsusulat nito. Hindi nagtagal ay lumipat siya sa Brussels, Belgica kung saan ay mura ang mga gastusin at dito niya naisulat ang malaking bahagi ng El Filibusterismo.




Setyembre 22, 1891

Unang Paglimbag

Nagpahiram si Valentin Ventura kay Jose Rizal ng pera upang mailimbag at mailathala ng maayos ang nobela sa Ghent, Belgium.

Marso 29, 1891

Pagtatapos

Natapos ni Rizal ang nobela sa Biarritz


Ang Pamagat

Ang salitang Filibustero ay kailangan pang ipaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibigang Aleman na si Ferdinand Blumentritt

dahil hindi niya nauunawaan ang paggamit ng salitang ito sa Noli Me Tangere. Ipinaliwanag sa liham ni Rizal na ang salitang filibustero ay

hindi ganoong kakilala sa Pilipinas dahil hindi pa ito kilala ng masa. Unang narinig ito ni Rizal noong 1872 sa pagbibigtay sa Gomburza.

Matinding gulo ang idinulot ng salitang ito. Pinagbawalan si Rizal at ang ama nito na banggitin ang salitang ito pati na rin ang Cavite at Burgos

isa sa mga binitay). Ginamit ang salitang ito ng Pahayagang Maynila at mga Espanyol na pantawag sa mga taong pinagsususpetsahan na rebolusyonaryo.

Kinatakutan itong banggitin ng mga edukado dahil nangangahulugan ito ng mapanganib na makabayan na kalaunan ay bibitayin.

Sa pagtapos ng ika-19 na siglo ay naging kilala ang filibustero na nangangahulugang supersibo.



ANG PAGHAHANDOG
..........................................

Inalay ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora na maskilala bilang Gomburza. Sila ang mga pare na napagbintangan ng pag-aaklas laban sa Kastilang Pamahalaan na naging dahilan ng kanilang pagkamatay sa pamamagitan ng Garrote. Tumatak sa isipan ni Rizal ang pangyayari na ito na ayon sa kanyaý hindi makatarungan.

Mula Kaliwa hanggang Kanan; Jacinto Zamora, Mariano Gomez, at Jose Burgos


ANG TEMA
.....................

    Ang akda ni Rizal na El Filibusterismo ay tulad ng una niyang akda na Noli Me Tangere sa hangarin nitong isiwalat ang kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas noong kanyang panahon. Ito ay dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng reporma sa edukasyon, itigil ang pang-aabuso ng mga paring Espanyol, itigil ang katiwalian sa pamamahala ng gobyerno, reporma sa mga pamahiin at paniniwala na nagkukubli sa likod ng relihiyon at pagpupumilit ng mga Pilipino at Espanyol na makatuntong sa altasosyalidad ng lipunan. Sa mga akdang ito ni Rizal, siya ay gumamit ng nga satirikong pahayag ngunit siya pa rin ay nag-iingat dahil ang mga pangyayari at sitwasyon na kanyang kinakaharap ay hindi maganda at may panganib.

    Ang El Filibusterismo ay may layunin na matamasa ang pagbabago sa lipunan. Ang mga kabanata nito ay naglalaman ng mga pagtatalo na unti unting nagpapalaho ng pag-asa ni Rizal sa kanyang nga mabubuting hangarin para sa bayan. Ito ang naging dahilan kaya't ang nobela ay nagtapos sa kabiguan ni Simoun.

    Ngunit marami ang mga iskolar ang nagtatalo sa totoong dahilan ng pagtutol ni Rizal sa rebolusyon, isa na dito ang dahilang hindi ito natuloy dahil sa hindi organisadong rebolusyon ng mga taong kapos sa edukasyon kaya mababa ang katiyakan an tagumpay at mauuwi lamang sa pagkamatay ng maraming tao. Sa pahayag ni Rizal, ang pagsasakripisyo ng isang tao ay mas makatwiran dahilan upang suportahan ni Rizal ang pakikibaka sa kabila ng hinahangad na reporma upang walang masawi. Ito pa rin ay nagpapatunay na ang ating pambansang bayani ay maraming inisip na konsiderasyon sa kanyang mga paraan upang ipaglaban ang repormang inaasam.


ANG KASAYSAYANG PANGKONTEKSTO
.............................................................................


    Matapos ang apat na taon ng isulat ang Noli me Tangere, isinulat ni Rizal ang isa pa niyang nobela na El Filibusterismo. Masasalamin sa nobela ang sistema ng politika at kalagayang panlipunan ng Pilipinas noong panahon na ito’y sinusulat. Ang mga kabiguan ni Rizal na piliting magkaroon ng pagbabago sa lipunan ang dumagdag sa mapagbantang tono ng akda.

    Si Rizal mismo ang nagsabi na mas maganda at may lalim ang El Fili kaysa Noli.

    Sinulatan ni Rizal si Blumentritt ng matapos niya ang akda. Ang nakasuklat sa liham ay “Hindi ko isinulat ang El Fili nang may paghihiganti laban sa aking mga kalaban, kundi para sa kabutihan ng mga nagdusa, at sa karapatan ng mga Tagalog…” Nang magbigay reaksyon ang mga Espanyol sa una niyang akda, pinilit ni Rizal na hindi mapasakamay ng mga Espanyol ang El Fili. Kung sa bagay, ang nobelang ito ay isinulat niya para sa mga Pilipino, hindi sa mga Espanyol.

    Matapos na mabigyan ni Rizal ang mga kaibigan niya sa Europa, ang mga natirang kopya ng nobela ay inilaan niya para maipadala sa Pilipinas. Unang naipadala sa Hong Kong ang kanyang mga nobela upang ipuslit ng kanyang mga kaibigan sa Pilipinas. Nang makarating sa Pilipinas ang mga natirang kopya, agad itong kinumpiska ng mga awtoridad. Ang mga naitagong palihim ay naging mabenta sa mga Pilipino.

    Ang nilalaman ng aklat at ang pag-alay ng nobela para sa tatlong paring martyr ay ginamit laban kay Rizal bilang katibayan ng kaniyang pagiging subersido. Salungat sa nais ni Rizal, naging inspirasyon nina Andres Bonifacio at iba pang rebolusyonaryo sa kanilang ipinaglalaban ang dalawang nobela.

ARALIN 1
Subukin ang iyong pang-unawa sa mga binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.
...